Bruce…
hindi ka si Batman.
hindi mo kayang sagipin ang mundo…
o ang Gotham City.
Tao ka lang.
Pero minahal kita Bruce…
siguro mamahalin kita palagi.
Sabi ng isang kaibigan,
isa ka daw
panaginip…
isang panaginip na nagpapalaya siguro.
Pero kailangan na kitang iwan. Kaya ko kaya?
Isang taon mahigit na kitang di nakikita, pero alam mo pag may nasusulyapan ako na medyo kahawig mo, para akong binubuhusan ng malamig na tubig. Nagigising bigla at hayan ka, buong buo sa aking isip…
Nasan ka na? Ano kaya ang sasabihin ko sa iyo, kapag nakita kita?
Ano kaya ang sasabihin mo? Magkikita pa kaya tayo?
Minsan, naririnig ko pa rin ang tinig mo…
tinatawag ang pangalan ko… nagtatanong, nanghahamon…
Buhay ka pa rin sa akin, Bruce. Alam ko na matagal mo na akong pinatay sa isip mo.
Sino ba ako?
Sana…
Sana…
Sana…
di ko na sasabihin…
alam na ng Dios kung ano ang kanyang gagawin…
sana…
