Paano paghihiwalay-hiwalayin
Ang kabuuan ng ngayon
Na sa bawat pagpatak
ay iginuguhit ang bawat pintig ng puso?

Ang mga araw ngayon
Ay parang iisang mahabang araw
Na dumadaloy lamang
Na parang tubig…
Walang tinitigilan at patuloy lamang…
Saan mahuhulog at kailan?

Saan titigil?
Sasaluhin ko ang bawat bagsak
Ng ulan
Wala akong alam
Ako ay nangangarap
Umaasa…
Nabubuhay lamang…