torch burning

Nakatayo siya…
Nag-iisang nakaharap sa karagatan,
Nakitingin sa abot ng kanyang matatanaw
Naghahanap…
Nagtatanong…
Naglalakbay…
Nauuhaw…

May barko sa di kalayuan
Nag-aanyaya.
Languyin niya kaya?

Hanggang saan makararating, ng di malulunod ang puso?
At kung malunod, maka-aahon pa kaya?

Mag-aantay ako sa pampang…

Dala – dala ay sulo na aking ninakaw.



No Responses Yet to “ninakaw na sulo…”  

  1. No Comments Yet

Leave a Reply