Sa likod ng araw
Nabuhay siya sa likod ng aking araw.
Sa bawat pagdaong at pagsikat,
Siya ay huminga at nagsilbing ina sa hininga ko.
Walang nagdaang araw na di siya—naging siya.
At dahil doon, hanggang ngayon buhay pa rin ako.
Kahit na nanaginip lang ako…
Alam ko na naging totoo,
Sapagkat meron sa puso ko
Nanatiling isang regalo.
Isang awit ng pasasalamat
Sa araw na nagisnan ko,
simula ng nakita ko ang ngiti niya
Na nangising sa himbing ng kamatayan ko.
Isang bumabalot na galak sa puso,
Na di maalis-alis kahit na anong trahedya pa
Ang makaharap nito.
Totoo ito.
Lumalalim, tumatawid, di napaparam…
Mas matamis ang ngiti sa pagbigkas ng pasasalamat,
Dahil mula ito sa pusong nagising, nabasag, nagdurugo
Ngunit nananatili,
matapang…
Ito ay tunay na ligaya,
Kahit na isang trahedya…
Sa likod ng araw ko,
Nabubuhay siya at ako…
Filed under: Para kay Bruce, filipino | Leave a Comment

No Responses Yet to “Sa likod ng araw”