Kay tagal ko nang hindi naupo
Sa pabrito kong puwesto…
Sa pasilyo ng bahay.
Hawak sa aking kamay
Ang pagbukas sa kahit anong dumating
Papasukin ba o hindi?
Isa akong malaking balakid
Sa harap ng pinto.

Ako din ang may hawak
Sa tarangkahan
Papasok ba ako o hindi?
Ano ang nasa loob?
